Jolina Magdangal Instagram – Nararamdaman nyo din ba ito?
Just a ramdom day, naisipan mag laro sa park pero ang laki ng realization.
Maraming salamat sa mga bumati nung birthday ko… hindi ko nasagot lahat pero nabasa ko.♥️
Pag nadadagdagan na pala talaga ang edad at malayo na ang agwat sa numbers ng kalendaryo, halo halo na ang feelings. Bigla mo talaga mapapansin at makikita (kung nanamnamin mo ang moment na yun) ang bilis ng panahon, at lumalaki na ang mga anak mo. Kaya hanggang kayang kaya pa at may oras pa, yakapin ng buong puso ang moment na yun para ibaon sa puso habangbuhay ang hindi na kayang ibalik kahit ano pa ang gawin natin. Walang katumbas na halaga o karangyaan ANG pwedeng maibigay kesa sa TIME at LOVE.
Tuwing nagkakaroon kami ng ganitong pagkakataon, lagi ako nagpapasalamat sa asawa ko at sa mga anak ko sa masayang moment na yun. Dahil kasi dun pakiramdam ko na nadagdagdagan parin ang time ko sa mundo. Kaya hindi lang talaga tuwing birthday magpapasalamat sa dugtong na buhay kundi… araw araw ay salamat Panginoon at makakasama ko pa ang family ko at iba pang mahal sa buhay.
♥️♥️♥️
#PeleSerye #TeleVika #EverydayMagic #Love #Time | Posted on 17/Nov/2023 18:34:59