Jolina Magdangal Instagram – Sa nakaraang 3 araw bago yung day ng concert… ingat na ingat ako magpost ng mga pictures na nakakasama kami nina Pele at Vika sa mga rehearsal ng Rivermaya kasi gusto ko talaga sumunod sa rules. Ni isang bakal ng scaffolding ng stage tinitignan ko baka may makita sa post, kaya di ko namalayan halos hindi na pala ako nag post ng kahit ano.😂
Pero alam nyo ba,, gustong sumabog ng puso ko araw araw sa hindi ko madetalyeng kwento kung ano nararamdaman ko… pero sure na sure ako hindi tae to.😂😂😂
Napaka surreal ng lahat para sakin. Kasi itong ito ang dinasal ko noon.. ang magkaroon ng asawa na ipaparamdam sakin araw araw na hinding hindi ako nag iisa sa saya lalo na sa hirap ng buhay at sana bonus na musikero sya. At kasama sa dinasal ko na magkaroon ng mabubuting anak.
At nung naging kami na ni Mark, Nagdedaydream din kami na pagnagka anak kami, nasa audience ako at mga anak namin tapos todo cheer para sa kanya.
Lahat nangyari. ♥️
Iba talaga ang timing ni Lord, sa mga panahong napanghihinaan ako ng loob dahil sa ibang tao o bagay, ang laki ng ipapakita at ipaparamdam nya sakin na… ang dami kong dapat ipagpasalamat dahil napakaswerte ko sa pamilya ko.🥹♥️ | Posted on 20/Feb/2024 17:17:56