Viñas Deluxe Instagram – Nung bata ako naalala ko sinisingil kami ng kapitbahay namin sa 2 gives na order ng mga ate ko.
So ako Tingin tingin lang ako sa mga borta sa brochures, amoy amoy sa mga pabango at sukat sukat sa mga bra ng mga ate ko galing Avon.
Sinong mag aakala na itong drag queen na ito ay makikita sa avon magazine! Pero wait
Sa underwear section!!!!
Nung una hesitant ako. Sabi ko bakit ako eh ang taba taba ko, di naman ako babae at di rin ako borta!
Sabi nila kaya nga gusto ka namin! Just be you!!
Grabe yung freedom na naramdaman ko during this shoot. I felt seen. I felt validated na maganda ako kahit ano pang body shape, form at size ko.
Pati kasarian ko!
Grabe @avonph ! Maraming salamat!!for including me!
I hope madami itong mabuksang mga pintuan para sa ating mga bading! Labyu!!
Photo by @kitkatpajaro 🥰🥰 | Posted on 25/May/2023 11:54:18