Angelica Panganiban

Angelica Panganiban Instagram – How I want to remember the year that was. Nagsimula sa napakaligaya. Umabot sa pinaka masakit. Paulit ulit ang dasal ko na patuloy kong maintindihan at matanggap ang lahat ng nangyari. Alam ko, oras lang ang makakapag sabi bago gumaan ang nararamdaman ko. Sabi nila, hindi matatapos ang grieving. Dahan dahan lang mababawasan ang bigat. Gusto kong lingunin ang 2024 na puno pa rin ng pasasalamat. Maraming dasal ang natupad. Kaibigan na hindi napagod maging kaibigan sa kabila ng pagkakaron ko ng mabigat at madilim na ulap. Lalo na sa asawa ko. Paniguradong hindi ito ang unang taon na na imagine niya. Ni hindi kami nakapag honeymoon 🥲 kaya sa 2025, bagong taon, bagong pagkakataon. Hindi para makalimot. Taon ito para ipakita kung paano ako pinatibay ng nakaraang taon.

Wala naman akong plano sumali sa recap. Pero naisip ko lang, ako pa ba ang magdadamot ng recap samantalang isa ako sa sinubok ng 2024. Gusto ko lang maging inspirasyon para sa bagong taon. Para sa lahat ng dinaot last year, sabay sabay tayong bumangon dishyir. 💪🏼 | Posted on 02/Jan/2025 10:17:00

Angelica Panganiban

Check out the latest gallery of Angelica Panganiban